anu daw kamo?
ang sabi ng lasing sa kanto
ng dumaan ang kanyang iniirog
tila bang isang baliw
walang nasabing matino
ng lampasan siya ng sinisinta
at nang magkatino
dali-dali ang takbo
papunta sa direksyong yaon
nang biglang...
nasuka...
tsk! nasira na talaga
ang tingin niya sa yo
ang patuloy na iniisip ng lasenggo
wala na siyang naggawa
pagkat ang tiyan ay sira
gumulong ng gumulong
umikot ng umikot
tila walang tigil na rebolusyon ng mundo
parang dinudurog ang isipan
bumibilis ang tibok ng puso
parang sasabog ang katinuan
tumba na to...
pagkabalik ng ulirat
naramdamang siya ay basa sa tubig
at pagdilat ng mata
ay tanging si brownie lang ang kasama
No comments:
Post a Comment