pinilit abutin ang dulo ng buhay
inangkin ang lahat para lang tumibay
inaway ang lahat ng makamit
sa dulo ito pa rin ay mapait
lahat na nga ay ginawa
kahit ang mundo'y natulala
sapat na ba talaga ang narating
para ang talang inaasam ay kamtin?
o sadyang mailap ang kaligayahan
upang ako'y pagbigyang mapunan
pero ang tanging sigurado lamang
ay Siyang may hawak ng lahat
na kahit mukhang malabo
si Hesus mismo ang magtatagpo :)
No comments:
Post a Comment