para kang agos ng tubig
sa ilog
hindi humihinto
patuloy kang lumalampas sa kin
di ako pinapansin
mabilis
tuloy-tuloy ang daloy mo
walang iniinda
walang hinihintuan
ngunit kahit ilang beses
mo akong iwasan
at saktan
ako'y isang bato
na huhulmahin ng oras
hanggang maging perpekto
sa paningin mo
at baka sakaling
pansinin mo din
No comments:
Post a Comment