Saturday, April 28, 2012

ako ay may sakit

masama ang pakiramdam ko
madaming plema
masama ang ubo
parang nilalagnat

masakit ang katawan
ang puso at isipan
para bang gusto ko humiga na lang

mahirap talaga sa totoo lang
lalo na kung ika'y nagdarasal araw-araw
nagpipigil gawin ang hilig
dahil may mga taong naghihintay sa Kanya

pero dahil alam ko
na hindi ko to kaya mag-isa
mahina ako
totoo

ngunit walang saysay ipagkaila
ang totoo mula pa simula

pero ako'y tuluyan ng nadala
sa saya ng mga kasama ko
kahit gutom at pagod
sakit at sungit
ay iniwang tuluyan

bawat tawa at ngiti
mga kantahang walang saysay
tunay na nakakapawi ng panahon

salamat sa inyo
na laging nagmamahal
kahit na ang puso ko'y pagal
kayo'y nagtatagal

ang tulang ito ay para sa inyo
mga kaibigang hindi sumusuko :)

No comments:

Post a Comment