sa aking pagkamatay sa katawan
at pagkabuhay sa espiritu
kasama si Hesus
ako na ay isang ganap na Kristiyano :)
Monday, April 30, 2012
Sunday, April 29, 2012
ti amo
anu daw kamo?
ang sabi ng lasing sa kanto
ng dumaan ang kanyang iniirog
tila bang isang baliw
walang nasabing matino
ng lampasan siya ng sinisinta
at nang magkatino
dali-dali ang takbo
papunta sa direksyong yaon
nang biglang...
nasuka...
tsk! nasira na talaga
ang tingin niya sa yo
ang patuloy na iniisip ng lasenggo
wala na siyang naggawa
pagkat ang tiyan ay sira
gumulong ng gumulong
umikot ng umikot
tila walang tigil na rebolusyon ng mundo
parang dinudurog ang isipan
bumibilis ang tibok ng puso
parang sasabog ang katinuan
tumba na to...
pagkabalik ng ulirat
naramdamang siya ay basa sa tubig
at pagdilat ng mata
ay tanging si brownie lang ang kasama
ang sabi ng lasing sa kanto
ng dumaan ang kanyang iniirog
tila bang isang baliw
walang nasabing matino
ng lampasan siya ng sinisinta
at nang magkatino
dali-dali ang takbo
papunta sa direksyong yaon
nang biglang...
nasuka...
tsk! nasira na talaga
ang tingin niya sa yo
ang patuloy na iniisip ng lasenggo
wala na siyang naggawa
pagkat ang tiyan ay sira
gumulong ng gumulong
umikot ng umikot
tila walang tigil na rebolusyon ng mundo
parang dinudurog ang isipan
bumibilis ang tibok ng puso
parang sasabog ang katinuan
tumba na to...
pagkabalik ng ulirat
naramdamang siya ay basa sa tubig
at pagdilat ng mata
ay tanging si brownie lang ang kasama
Saturday, April 28, 2012
iyak-tawa
hinde to tula :)
sa ngayon nandito ako nakaupo sa harap ng PC. isinasalaysay ang tunay kong nararamdaman sa mga nangyayari sa buhay ko. sa totoo lang, mas gusto ko pang mabaliw na lamang at iwan ang lahat sa limot kaysa maramdaman ang bigat na dala ko ngayon. mahirap. lagi naman pero hinde naman talaga dapat ganon. siguro nga, ganun lang talaga ang epekto pag mahalaga sa iyo ang isang tao.
mag-iisang buwan na din nung huli kame nagkausap. ung usap na matino. ung USAP talaga. hinde ung dinadaan-daanan ka lang. hinde ung dahil hinde matakasan. hinde ung pilitan lang.
mabibitin ka kase ngayong araw na to...
iiwan ko na lang tong ganito :)
ayun lang :)
sa ngayon nandito ako nakaupo sa harap ng PC. isinasalaysay ang tunay kong nararamdaman sa mga nangyayari sa buhay ko. sa totoo lang, mas gusto ko pang mabaliw na lamang at iwan ang lahat sa limot kaysa maramdaman ang bigat na dala ko ngayon. mahirap. lagi naman pero hinde naman talaga dapat ganon. siguro nga, ganun lang talaga ang epekto pag mahalaga sa iyo ang isang tao.
mag-iisang buwan na din nung huli kame nagkausap. ung usap na matino. ung USAP talaga. hinde ung dinadaan-daanan ka lang. hinde ung dahil hinde matakasan. hinde ung pilitan lang.
mabibitin ka kase ngayong araw na to...
iiwan ko na lang tong ganito :)
ayun lang :)
pagtatagpo
pinilit abutin ang dulo ng buhay
inangkin ang lahat para lang tumibay
inaway ang lahat ng makamit
sa dulo ito pa rin ay mapait
lahat na nga ay ginawa
kahit ang mundo'y natulala
sapat na ba talaga ang narating
para ang talang inaasam ay kamtin?
o sadyang mailap ang kaligayahan
upang ako'y pagbigyang mapunan
pero ang tanging sigurado lamang
ay Siyang may hawak ng lahat
na kahit mukhang malabo
si Hesus mismo ang magtatagpo :)
inangkin ang lahat para lang tumibay
inaway ang lahat ng makamit
sa dulo ito pa rin ay mapait
lahat na nga ay ginawa
kahit ang mundo'y natulala
sapat na ba talaga ang narating
para ang talang inaasam ay kamtin?
o sadyang mailap ang kaligayahan
upang ako'y pagbigyang mapunan
pero ang tanging sigurado lamang
ay Siyang may hawak ng lahat
na kahit mukhang malabo
si Hesus mismo ang magtatagpo :)
ako ay may sakit
masama ang pakiramdam ko
madaming plema
masama ang ubo
parang nilalagnat
masakit ang katawan
ang puso at isipan
para bang gusto ko humiga na lang
mahirap talaga sa totoo lang
lalo na kung ika'y nagdarasal araw-araw
nagpipigil gawin ang hilig
dahil may mga taong naghihintay sa Kanya
pero dahil alam ko
na hindi ko to kaya mag-isa
mahina ako
totoo
ngunit walang saysay ipagkaila
ang totoo mula pa simula
pero ako'y tuluyan ng nadala
sa saya ng mga kasama ko
kahit gutom at pagod
sakit at sungit
ay iniwang tuluyan
bawat tawa at ngiti
mga kantahang walang saysay
tunay na nakakapawi ng panahon
salamat sa inyo
na laging nagmamahal
kahit na ang puso ko'y pagal
kayo'y nagtatagal
ang tulang ito ay para sa inyo
mga kaibigang hindi sumusuko :)
madaming plema
masama ang ubo
parang nilalagnat
masakit ang katawan
ang puso at isipan
para bang gusto ko humiga na lang
mahirap talaga sa totoo lang
lalo na kung ika'y nagdarasal araw-araw
nagpipigil gawin ang hilig
dahil may mga taong naghihintay sa Kanya
pero dahil alam ko
na hindi ko to kaya mag-isa
mahina ako
totoo
ngunit walang saysay ipagkaila
ang totoo mula pa simula
pero ako'y tuluyan ng nadala
sa saya ng mga kasama ko
kahit gutom at pagod
sakit at sungit
ay iniwang tuluyan
bawat tawa at ngiti
mga kantahang walang saysay
tunay na nakakapawi ng panahon
salamat sa inyo
na laging nagmamahal
kahit na ang puso ko'y pagal
kayo'y nagtatagal
ang tulang ito ay para sa inyo
mga kaibigang hindi sumusuko :)
Wednesday, April 18, 2012
pagtatago at paghahabol
hanggang kailan kita hahabulin?
hanggang sa dulo ng mundo?
hanggang mawala ang hininga?
bakit ka ba lumalayo?
ako na nga ang walang ginawa kundi mahalin ka
ng walang hinihingi
hanggang kailan kita hahanapin?
hanggang maubos ang taguan?
hanggang mapagod sa paghahanap?
bakit ka pa nagpaparamdam?
kung ayaw mo din naman matagpuan
at sabi mo tayo'y magkaibigan
oo isa akong tanga
dahil mahal kita
pinili kong tiisin ang lahat
para lang makasama ka
pero matuto kang makiramdam
dahil ako'y tao lang
wag mong ubusin ang pisi ko
baka ikaw ay mawindang
hanggang sa dulo ng mundo?
hanggang mawala ang hininga?
bakit ka ba lumalayo?
ako na nga ang walang ginawa kundi mahalin ka
ng walang hinihingi
hanggang kailan kita hahanapin?
hanggang maubos ang taguan?
hanggang mapagod sa paghahanap?
bakit ka pa nagpaparamdam?
kung ayaw mo din naman matagpuan
at sabi mo tayo'y magkaibigan
oo isa akong tanga
dahil mahal kita
pinili kong tiisin ang lahat
para lang makasama ka
pero matuto kang makiramdam
dahil ako'y tao lang
wag mong ubusin ang pisi ko
baka ikaw ay mawindang
Thursday, April 12, 2012
Tuesday, April 10, 2012
kamatayan
tunay ngang masaklap ang buhay minsan...
biglang darating ang hinde inaasahan
sino nga ba naman makakapgsabi
kung kailan tayo ikukubli?
ngayon?
bukas?
makalawa?
kahit ilang dalaw sa quiapo
ay hinde ka maihahanda
minsan ang dahilan ay simple:
katandaan o kahinaan
minsan mas kumplikado:
sakit o aksidente
pero minsan malala:
krimen o kaaway
pero gaano man kabigat
o katagal
o kabilis ang mga dahilan
iisa lang ang tunay at tapat
ang tanging pwede lang nating gawin
ay kilalanin Siya
mahalin Siya
mahalin ang ating pamilya
at ibang tao
at mamuhay ng tuwid sa lahat ng panahon
nang sa gayong ang araw ay dumating
alam mo na kung san ka dadalhin
biglang darating ang hinde inaasahan
sino nga ba naman makakapgsabi
kung kailan tayo ikukubli?
ngayon?
bukas?
makalawa?
kahit ilang dalaw sa quiapo
ay hinde ka maihahanda
minsan ang dahilan ay simple:
katandaan o kahinaan
minsan mas kumplikado:
sakit o aksidente
pero minsan malala:
krimen o kaaway
pero gaano man kabigat
o katagal
o kabilis ang mga dahilan
iisa lang ang tunay at tapat
ang tanging pwede lang nating gawin
ay kilalanin Siya
mahalin Siya
mahalin ang ating pamilya
at ibang tao
at mamuhay ng tuwid sa lahat ng panahon
nang sa gayong ang araw ay dumating
alam mo na kung san ka dadalhin
Sunday, April 8, 2012
BOOM~~~!
tinapos mo ang trabaho mo ng madalian
tinakbo ang hagdanan pababa
sa di inaasahang pagkakataon
nabunggo mo ang boss mo
BOOM!
dali-dali kang tumakbo sa istasyon
paglabas mo ay puno ng tao
akala mo aabot ka sa pagsara ng pinto
ngunit sadyang mas mabilis ito
BOOM!
nakikipag-usap buong araw sa kaklase
parang walang pakialam sa mundo
pagtawid mong ura-urada sa kalye
biglang sumalpok ang sasakyan ni ate
BOOM!
akala mo alam mo na ang totoo
binigay mo na ang buong buhay dito
ng isang araw nakilala mo Ako
ang tunay na nag-alay ng buhay sa yo
BOOM!
kaya laging tandaan
mabuhay ng mapanuri at dahan-dahan
ialay ang buhay para sa Kanya
para kahit sa di inaasahan ay handa kang mag...
BOOM!
tinakbo ang hagdanan pababa
sa di inaasahang pagkakataon
nabunggo mo ang boss mo
BOOM!
dali-dali kang tumakbo sa istasyon
paglabas mo ay puno ng tao
akala mo aabot ka sa pagsara ng pinto
ngunit sadyang mas mabilis ito
BOOM!
nakikipag-usap buong araw sa kaklase
parang walang pakialam sa mundo
pagtawid mong ura-urada sa kalye
biglang sumalpok ang sasakyan ni ate
BOOM!
akala mo alam mo na ang totoo
binigay mo na ang buong buhay dito
ng isang araw nakilala mo Ako
ang tunay na nag-alay ng buhay sa yo
BOOM!
kaya laging tandaan
mabuhay ng mapanuri at dahan-dahan
ialay ang buhay para sa Kanya
para kahit sa di inaasahan ay handa kang mag...
BOOM!
Saturday, April 7, 2012
pansit
at ika'y nagsasalita na parang bulol
dahil pinagsasabay mong kumain
at dumaldal
ayan tuloy ika'y napagtripan
ngunit sa sa bawat sambit
kahit may pansit
ang tuwa namang nadama
ay walan kapalit
kaya...
that's it pansit :)
dahil pinagsasabay mong kumain
at dumaldal
ayan tuloy ika'y napagtripan
ngunit sa sa bawat sambit
kahit may pansit
ang tuwa namang nadama
ay walan kapalit
kaya...
that's it pansit :)
Thursday, April 5, 2012
Tuesday, April 3, 2012
sapul
parang tumbang preso
parang dart game
parang suntukan
parang bilyar
parang fighting game
parang kupido
parang love song
parang preaching
parang verse
parang TV show
parang banggaan
parang exams
ayun
pag nakuha mo
sapul :)
parang dart game
parang suntukan
parang bilyar
parang fighting game
parang kupido
parang love song
parang preaching
parang verse
parang TV show
parang banggaan
parang exams
ayun
pag nakuha mo
sapul :)
Monday, April 2, 2012
ang agos at ang bato
para kang agos ng tubig
sa ilog
hindi humihinto
patuloy kang lumalampas sa kin
di ako pinapansin
mabilis
tuloy-tuloy ang daloy mo
walang iniinda
walang hinihintuan
ngunit kahit ilang beses
mo akong iwasan
at saktan
ako'y isang bato
na huhulmahin ng oras
hanggang maging perpekto
sa paningin mo
at baka sakaling
pansinin mo din
sa ilog
hindi humihinto
patuloy kang lumalampas sa kin
di ako pinapansin
mabilis
tuloy-tuloy ang daloy mo
walang iniinda
walang hinihintuan
ngunit kahit ilang beses
mo akong iwasan
at saktan
ako'y isang bato
na huhulmahin ng oras
hanggang maging perpekto
sa paningin mo
at baka sakaling
pansinin mo din
Sunday, April 1, 2012
baraha
sa isang gabi
kami'y naglaro
ng isang simple
ngunit masayang laro
ang laro ng baraha
sa bawat tanong
ito ang sasagot
pula sa oo
itim sa hinde
at nagsimula na
lahat ay nagsalit
ng nais malaman
totoo man
o katuwaan
ngunit gusto paniwalaan
habang tumatagal
mas ganadong alamin
ang sasabihin
ng barahang salamin
lumulubog na ang oras
hinde na mabitawan
lahat ay nalulong
sa hula ng baraha
at kanyang bulong
at ito'y huli na
huli na ng malamang
naniniwala ka na
sa mga sanang lumalabas
galing sa huwad na baraha...
kami'y naglaro
ng isang simple
ngunit masayang laro
ang laro ng baraha
sa bawat tanong
ito ang sasagot
pula sa oo
itim sa hinde
at nagsimula na
lahat ay nagsalit
ng nais malaman
totoo man
o katuwaan
ngunit gusto paniwalaan
habang tumatagal
mas ganadong alamin
ang sasabihin
ng barahang salamin
lumulubog na ang oras
hinde na mabitawan
lahat ay nalulong
sa hula ng baraha
at kanyang bulong
at ito'y huli na
huli na ng malamang
naniniwala ka na
sa mga sanang lumalabas
galing sa huwad na baraha...
Subscribe to:
Posts (Atom)