Wednesday, January 1, 2014

pananabik sa pagbabalik

sa pagtatapos ay mayroong simula
at sa simula ay mayroong kasunod
at sa kasunod ay mayroong salaysay
at sa salaysay ay mayroong tula

tula na kung saan sari-sari ang laman
laman na kung saan iba-iba ang lasa
lasa na kung saan palit-palit ang timpla
timpla na kung saan halo-halo ang kaba

kaba dahil sa mga parating pa lamang
parating dahil sa mga hinde mo pa alam
hinde mo alam dahil matutututo pa lang
matutututo pa lang dahil bago o luma

ngunit sa bagong taon
lahat man ay nagbago
anu-ano at sinu-sino
may isang nanatiling totoo

na ang Hesus noon
ay Siya pa din ngayon
at bukas gayon
saan mang dako paroon

Wednesday, April 10, 2013

Jeremiah

datapwat wag tignan ang problema
bilang isang dagok
ito'y tignan na pagsubok
ng iyong tiwala sa Kanya

dahil ating alam
na kahit kailan
hinde Niya tayo ipapahamak

panghawakan ang Kanyang Salita
at magdasal ng taimtiman
gawin ang nararapat

sa huli maglilinaw din
mapapawi ang lumbay
at ika'y magtatagumpay

Friday, November 23, 2012

kasinungalingan

datapwat me karampatang katarugan
ang nasa taas
para sa mga taong tulad kong
sinungaling
traidor
mananakit

pagkat walang sapat na kabayaran
ang sakit na dinulot ko
sa mga mahal ko sa buhay
ng dahil sa aking
pagtakip sa katotohanan

ako'y manloloko
at palagay ko
Diyos lang makakapagpatawad neto

:'(


pero alam mo
kahit ganun pa man
hinde ko to ginusto
o sinadya

hay

Wednesday, July 25, 2012

datapwat

datapwat
dapat gawin ang tamang gawin
kahit na mahirap tiisin
kahit na masakit damdamin
kahit malabong isipin

datapwat
sa bawat pagsambit
sa bawat pagsusulit
sa bawat pananahimik
unahin ang kabutihan bago sa lahat

datapwat
ang buhay ay mahirap
ang tumuwid ay masklap
ang magtrabaho ay magsikap
pagkat sa huli ang pagsisisi

datapwat
magmahal
masaktan
magtiis
maghintay
magsaya
maging totoo
magsalita
manahimik
makinig
mamuhay
magbigay
magipon
at
gawin ang lahat
para sa Kanya

Thursday, June 14, 2012

mariel

M - ay isang nagniningning
A - t nagbubukod tangi
R - osas na malambing
I - indakan mo ang pag-awit
E - ngkantanda ang ganda
L - ungkot man o masaya

L - ilisan na siyang tunay
Y - aong pamilya'y iaakay
N - angungulila sa kanila
N - aghahanap ng kalinga

T - anging dasal at pagmamahal lang
A - ng aking maipapabaon
N - g lumuwas na ang dilag ng pagkakataon

:)

para sa yo mariel :)

Monday, June 4, 2012

ang kalabog ng pagkahulog

kalabog kalabog
ang tanging tunog
na aking natimbog
nung ang puso ko'y nadurog
at utak ay muntik masunog
sa iyong mga pagsabog
at mga pagdadabog
na wala naman sa hulog

kalabog kalabog
at ang pulso ko'y tumirik
dahil damdami'y matarik
mula sa mahimbing na hilik
ito'y iyong pinasabik
ngunit sa dulo'y pumaltik
at wala ka ng imik
kahit na ako'y bumalik

kalabog kalabog
nalaglag ng tuluyan
ang pusong dumduyan
sa pag-ibig na sabayan
ang tugtog sa kawayan
subalit walang damayan
ng ika'y namalayan
at lumapit sa kamatayan

kalabog kalabog
at ang puso ko'y sumabog

Monday, May 28, 2012

sari sari

sari sari
ang nangyayari
ganito nga ba
o ganyan?

tila bagang
walang humpay
ang hampas
ng buhay

madalas nasa
ilalim ng pedestal
naghahanap
ng kasagutan

minsan nasa
ibabaw naman
sa harap
ng tao

bawat bagay
may dahilan
kung kailan
ay di ko alam

pero sa Diyos
na lamang ako
umaasa
pagkat Siya
lang ang sigurado
kahit samu't sari ang mundo