Sunday, April 8, 2012

BOOM~~~!

tinapos mo ang trabaho mo ng madalian
tinakbo ang hagdanan pababa
sa di inaasahang pagkakataon
nabunggo mo ang boss mo
BOOM!

dali-dali kang tumakbo sa istasyon
paglabas mo ay puno ng tao
akala mo aabot ka sa pagsara ng pinto
ngunit sadyang mas mabilis ito
BOOM!

nakikipag-usap buong araw sa kaklase
parang walang pakialam sa mundo
pagtawid mong ura-urada sa kalye
biglang sumalpok ang sasakyan ni ate
BOOM!

akala mo alam mo na ang totoo
binigay mo na ang buong buhay dito
ng isang araw nakilala mo Ako
ang tunay na nag-alay ng buhay sa yo
BOOM!

kaya laging tandaan
mabuhay ng mapanuri at dahan-dahan
ialay ang buhay para sa Kanya
para kahit sa di inaasahan ay handa kang mag...
BOOM!

No comments:

Post a Comment