hinde nabuo ang katipunan
ng dahil lang kay andres
ito'y naipon ng isang grupo ng iisang adhikain
hinde rin nabuo ang thesis team nyo
ng dahil lang sa isang matalino
ito'y pinagsama-samang mag-aaral na iba-iba ang alam
hinde rin nabuo ang basketball team
ng dahil sa isang magaling na manlalaro
ito'y pinagtipong mga posisyong kelangang gampanan
kaya't laging tatandaan
na sa ating lipunan
hinde lamang pinuno ang sandalan
kundi ang buong samabayanan
at kundi natin gagampanan
ang ating panunungkulan
wag na nating asahan
ang ating kaunlaran
Tuesday, January 31, 2012
Monday, January 30, 2012
naguumapaw
o hinde ku maibulsa
sa maliit kong mundo
ang dami ng biyayang
pinamamalas mo
tunay ba na ako ay karapat-dapat
sa yaong pagpansin?
o tunay nga't ito'y kagila-gilalas
sapagkat ang kapangyarihang pinamamalas
ay di ko matanto
kung meron pang wagas
meron akong kaunting pagkatakot
na dahan-dahang sumasaplot
o ngunit sa huli aking napagkasunduan
sa puso, isipan at kaluluwa
na ito ay aking tatanggapin
ng walang pagalinlangan
ang iyong kagustuhang walang humpay
at karunungang walang kasing husay
sa maliit kong mundo
ang dami ng biyayang
pinamamalas mo
tunay ba na ako ay karapat-dapat
sa yaong pagpansin?
o tunay nga't ito'y kagila-gilalas
sapagkat ang kapangyarihang pinamamalas
ay di ko matanto
kung meron pang wagas
meron akong kaunting pagkatakot
na dahan-dahang sumasaplot
o ngunit sa huli aking napagkasunduan
sa puso, isipan at kaluluwa
na ito ay aking tatanggapin
ng walang pagalinlangan
ang iyong kagustuhang walang humpay
at karunungang walang kasing husay
Saturday, January 28, 2012
sa muling pagkabuhay
matagal na kitang kilala
hinde ka na bago sa akin
pero magulo ka dati
at mas magulo pa ko
lumipas ang taon
lumayo lang ako
akala ko kaya ko mag-isa...
walong taon akong naglakbay
sa wala at wala
di namalayang
hinde ka pa rin tumitigil
sa bawat pagtakbo
ikaw pa ang humahabol
hinde ka pa pala tapos...
at sa kung anu'ng himala
ika'y nagpakita
ako'y namangha
sa mga bagay na ipinakita
namulat na ako ngayon
sa isang katotohanan
nabuhay kang muli at di na kita bibitiwan :)
--pre-ecncounter :)
--para kina faythe, keeneth, lovely santiago :)
hinde ka na bago sa akin
pero magulo ka dati
at mas magulo pa ko
lumipas ang taon
lumayo lang ako
akala ko kaya ko mag-isa...
walong taon akong naglakbay
sa wala at wala
di namalayang
hinde ka pa rin tumitigil
sa bawat pagtakbo
ikaw pa ang humahabol
hinde ka pa pala tapos...
at sa kung anu'ng himala
ika'y nagpakita
ako'y namangha
sa mga bagay na ipinakita
namulat na ako ngayon
sa isang katotohanan
nabuhay kang muli at di na kita bibitiwan :)
--pre-ecncounter :)
--para kina faythe, keeneth, lovely santiago :)
Thursday, January 26, 2012
alipin
wag mo akong gawing alipin mo
na bulag-bulagang sumusunod sa yo
dahil may sarili akong pagiisip
at pusong laya sa tukso
kung ang iba ay kaya mo
ako hinde
hinde lahat ng tao ay yaring manhid
o di kaya'y alipin ng paligid
mayroon ding nadadapa
ngunit may tumutulong sa kanila
at sa kanilang pagkagising
dun ka nila lilisan
sana itigil mo na ang kahibangan mo
dahil isang araw darating iyong katapat
at kundi mo man ito kayanin
huwag ka sa ming tatakbo
biglang sasabihin "Sagipin niyo ako!"
at aming sagot ay "Ano ka hilo?"
--hehehe wala lang :P
na bulag-bulagang sumusunod sa yo
dahil may sarili akong pagiisip
at pusong laya sa tukso
kung ang iba ay kaya mo
ako hinde
hinde lahat ng tao ay yaring manhid
o di kaya'y alipin ng paligid
mayroon ding nadadapa
ngunit may tumutulong sa kanila
at sa kanilang pagkagising
dun ka nila lilisan
sana itigil mo na ang kahibangan mo
dahil isang araw darating iyong katapat
at kundi mo man ito kayanin
huwag ka sa ming tatakbo
biglang sasabihin "Sagipin niyo ako!"
at aming sagot ay "Ano ka hilo?"
--hehehe wala lang :P
Wednesday, January 25, 2012
tsismis
me narinig ka ba?
ako meron
balita ko si ano ay ganun
at si ganyan nagkaron ng ganito
sina kwan at kwan ay sila
me nasagap ka ba?
ako meron
namatay na raw si ano
dahil daw si ganyan nagkaganun
at sila ano ang kumuha ng ewan
pero me narinig ako...
na hinde pala totoo lahat ng narinig mo
at nalaman kong iisa lang ang totoo
na ikaw ay tsismoso
at walang kwenta na makinig sa mga ewan mo
--------nakow ang tsismis nga naman...
ako meron
balita ko si ano ay ganun
at si ganyan nagkaron ng ganito
sina kwan at kwan ay sila
me nasagap ka ba?
ako meron
namatay na raw si ano
dahil daw si ganyan nagkaganun
at sila ano ang kumuha ng ewan
pero me narinig ako...
na hinde pala totoo lahat ng narinig mo
at nalaman kong iisa lang ang totoo
na ikaw ay tsismoso
at walang kwenta na makinig sa mga ewan mo
--------nakow ang tsismis nga naman...
Tuesday, January 24, 2012
pagod
ako'y pagod na
sa kakatakbo
at kakatakas sa pagkalinga mo
kahit ano'ng gawin
ika'y nakakahabol
at ako'y aabutan din
ako na mismo ang lumalayo
pero ikaw pa mismo
ang naghahanap sa akin
hinde man ako karapat-dapat
niyayakap mo pa din ako
ng mahigpit at walang maliw
kaya ngayon di na ko aalis
at ako'y mananatili na
sa pagmamahal mo
sa kakatakbo
at kakatakas sa pagkalinga mo
kahit ano'ng gawin
ika'y nakakahabol
at ako'y aabutan din
ako na mismo ang lumalayo
pero ikaw pa mismo
ang naghahanap sa akin
hinde man ako karapat-dapat
niyayakap mo pa din ako
ng mahigpit at walang maliw
kaya ngayon di na ko aalis
at ako'y mananatili na
sa pagmamahal mo
Monday, January 23, 2012
Sa Iyong Pag-iyak
nakita kita
balisa
tulala
ako'y naiyak
ika'y tumungo
umupo
lumayo
ako'y naiyak
bigla kang tumawa
nagalak
sumigla
ako'y naiyak
pinilit kumausap sa iba
dumaldal
kumanta
ako'y naiyak
nang tumagal ika'y bumuklat
nagbasa
nagmuni-muni
ako'y naiyak
at di nagtagal ika'y umiyak
lumuha
nagdasal
ako'y naiyak
pagkatapos nawala ang bahid ng sakit
kumalma
pumayapa
ako'y ngumiti
balisa
tulala
ako'y naiyak
ika'y tumungo
umupo
lumayo
ako'y naiyak
bigla kang tumawa
nagalak
sumigla
ako'y naiyak
pinilit kumausap sa iba
dumaldal
kumanta
ako'y naiyak
nang tumagal ika'y bumuklat
nagbasa
nagmuni-muni
ako'y naiyak
at di nagtagal ika'y umiyak
lumuha
nagdasal
ako'y naiyak
pagkatapos nawala ang bahid ng sakit
kumalma
pumayapa
ako'y ngumiti
Saturday, January 21, 2012
Pagningas Muli
madami ang mariing naghihintay
sa bawat sasambiting salita
tila bagang me inaasahang pagkakamali
o pangakong bibitawan
kaya puspusan ang aking pag-iingat
sa bawat masasabi
pagkat hinde alam kung saan
tutungo pag nahuli
lumulutang ang diwa
madalas sa isang talata
minsan nama'y umaasa
sa pangarap na diwata
kung sakaling ito'y magulo
isipan ay pilit ikakalma
dahil doon lamang sa payapa
darating ang pagliliwanag
hinde man ako pulitiko
arkitekto o inhinyero
pero sa aking palagay na ito
mas gusto ko pa ang maging kartero
pero ako ay isang manunulat
hinde ako pagagapi
sa mga alipusta at pangigipit
ng madlang pananaw ay pangit
kung sa dati wala ng liyab ang aking pagsusulat
isang tao mula sa marami
ngalan ay jovita
ay naging sapat na para umulit ng akda
tila bagang me inaasahang pagkakamali
o pangakong bibitawan
kaya puspusan ang aking pag-iingat
sa bawat masasabi
pagkat hinde alam kung saan
tutungo pag nahuli
lumulutang ang diwa
madalas sa isang talata
minsan nama'y umaasa
sa pangarap na diwata
kung sakaling ito'y magulo
isipan ay pilit ikakalma
dahil doon lamang sa payapa
darating ang pagliliwanag
hinde man ako pulitiko
arkitekto o inhinyero
pero sa aking palagay na ito
mas gusto ko pa ang maging kartero
pero ako ay isang manunulat
hinde ako pagagapi
sa mga alipusta at pangigipit
ng madlang pananaw ay pangit
kung sa dati wala ng liyab ang aking pagsusulat
isang tao mula sa marami
ngalan ay jovita
ay naging sapat na para umulit ng akda
--para sa iyo ang tula na to jovie :) sundin mo ang puso mo at wag na tong bitawan :) malaki ang tiwala ko sa kakayahan mong magsulat :)
Friday, January 20, 2012
Hindi Inaasahan
minsan ako'y nangarap
ng tala o bituin
at sa aking pagsilip
pinipilit abutin
saang mang dako umabot
walang masungkit
at parang nagsasabing
ako lamang ay pasakit
sa dako paroon ako'y sumilay
natatanging ningning ang natanaw
ramdam ang tila tanglaw nitong liyab
at dali-dali puso'y napukaw
aking binitbit ang isang sisidlan
dala lamang ay kaunti
nagsimula ng malakbay
upang marating ang minimithi
bawat kalsada na tahakin
minsa'y tuwid
madalas bako-bako
ngunit diresto ang tingin sa himpapawid
hanggang sa ako'y nahulog
sa isang banging malalim
lahat ng pag-asa'y nawala
lahat ng tuwa ay naglilim
ang aking pagkalugmok
ay unti-unting naibsan
ng galing sa kung saan
dumating ang kaligtasan
sabi mo lamang ay magtiwala
hawakan ang iyong kamay
kahit ako'y nagduda
tinanggap pa rin ang pakikiramay
dahan-dahan kong sinundan
ang iyong malambot na kalinga
at sa bawat hakbang
nabuo na ang tiwala
at sa dulo ng pagkabigo
biglang bumulaga
ang di inaasahang akay
mula pala sa talang tangi ang halaga
ng tala o bituin
at sa aking pagsilip
pinipilit abutin
saang mang dako umabot
walang masungkit
at parang nagsasabing
ako lamang ay pasakit
sa dako paroon ako'y sumilay
natatanging ningning ang natanaw
ramdam ang tila tanglaw nitong liyab
at dali-dali puso'y napukaw
aking binitbit ang isang sisidlan
dala lamang ay kaunti
nagsimula ng malakbay
upang marating ang minimithi
bawat kalsada na tahakin
minsa'y tuwid
madalas bako-bako
ngunit diresto ang tingin sa himpapawid
hanggang sa ako'y nahulog
sa isang banging malalim
lahat ng pag-asa'y nawala
lahat ng tuwa ay naglilim
ang aking pagkalugmok
ay unti-unting naibsan
ng galing sa kung saan
dumating ang kaligtasan
sabi mo lamang ay magtiwala
hawakan ang iyong kamay
kahit ako'y nagduda
tinanggap pa rin ang pakikiramay
dahan-dahan kong sinundan
ang iyong malambot na kalinga
at sa bawat hakbang
nabuo na ang tiwala
at sa dulo ng pagkabigo
biglang bumulaga
ang di inaasahang akay
mula pala sa talang tangi ang halaga
Thursday, January 19, 2012
Ang Simula!
Datapwat ang bawat isa ay magsimula
Sapagkat ito ang tanging paraan para marating ang paroroonan
Kahit na saang dako ka man pumunla
Ikaw ay siguradong me daratnan
Totoo nga't mahirap ang manggaling sa wala
Pero sa Poon nama'y ika'y laging puno ng biyaya
Kaya dapat laging sa Kanya ay magtiwala
Nang sa gayo'y ang buhay mo ay nasa tama ang taya
Kung sa iyong paglalakbay ikaw ay maharang
At tila mayroong lumiligaw ng iyong landas
Abutin ang ilaw na Siya ang may hirang
Dali-dali ika'y maliligtas
At sa pagtatapos ng iyong umpisa
Tunay nga ito'y minsa'y madilim
Pero dahil sa Kanya ka umaasa
Ika'y pananatilihin sa Kanyang lilim
--sana'y kayo ay natuwa sa aking panimulang akda :) ako'y nagagalak na magsimula ng isang paglalakbay sa mundo na ito gamit ang aking sariling wika :) pipilitin kong maging mapagbantay sa araw-araw upang makapagsulat :)
SDAP!
(sa Diyos ang Papuri!)
Sapagkat ito ang tanging paraan para marating ang paroroonan
Kahit na saang dako ka man pumunla
Ikaw ay siguradong me daratnan
Totoo nga't mahirap ang manggaling sa wala
Pero sa Poon nama'y ika'y laging puno ng biyaya
Kaya dapat laging sa Kanya ay magtiwala
Nang sa gayo'y ang buhay mo ay nasa tama ang taya
Kung sa iyong paglalakbay ikaw ay maharang
At tila mayroong lumiligaw ng iyong landas
Abutin ang ilaw na Siya ang may hirang
Dali-dali ika'y maliligtas
At sa pagtatapos ng iyong umpisa
Tunay nga ito'y minsa'y madilim
Pero dahil sa Kanya ka umaasa
Ika'y pananatilihin sa Kanyang lilim
--sana'y kayo ay natuwa sa aking panimulang akda :) ako'y nagagalak na magsimula ng isang paglalakbay sa mundo na ito gamit ang aking sariling wika :) pipilitin kong maging mapagbantay sa araw-araw upang makapagsulat :)
SDAP!
(sa Diyos ang Papuri!)
Subscribe to:
Posts (Atom)