tunay ngang masaklap ang buhay minsan...
biglang darating ang hinde inaasahan
sino nga ba naman makakapgsabi
kung kailan tayo ikukubli?
ngayon?
bukas?
makalawa?
kahit ilang dalaw sa quiapo
ay hinde ka maihahanda
minsan ang dahilan ay simple:
katandaan o kahinaan
minsan mas kumplikado:
sakit o aksidente
pero minsan malala:
krimen o kaaway
pero gaano man kabigat
o katagal
o kabilis ang mga dahilan
iisa lang ang tunay at tapat
ang tanging pwede lang nating gawin
ay kilalanin Siya
mahalin Siya
mahalin ang ating pamilya
at ibang tao
at mamuhay ng tuwid sa lahat ng panahon
nang sa gayong ang araw ay dumating
alam mo na kung san ka dadalhin
No comments:
Post a Comment