Wednesday, February 29, 2012

patay na

anlakas ng tama ko sayo

para akong tinamaan ng bato
dumugo ang utak ko
kakaisip sa yo

mabilis
mabagal
mabilis uli
nakakalito ang epekto mo

pero alam mo
naisip ko
ang tunay na tama mo sa kin
ay dahil iisa tayo ng mahal

at yun ay ang Diyos ko
hinde ko na pinapansin
ang kulang
o sobra sa yo

ang mukha mo
ang ngiti mo
ang nakakainis mong drama
ang makulit mong tawa
ang hindi ko pa alam sa yo

lahat tanggap ko
kase ganun ang Ama ko
sa akin

kaya
patay na
dahil
ikaw na :)

Sunday, February 26, 2012

nahulog

nahulog na yata ang puso ko sa yo

kayanin mo din kaya ang bigat nito
loob ng aking umiikot na mundo

at sa saliw ng musika ng pag-ibig
iisa lang ang ang naririnig na tinig
ang tawag Mo na nakakakilig

2GBTG!

Saturday, February 25, 2012

umiikot ang mundo

sa bawat pag-ikot nito
bagong araw ang natatamo

at sa bawat paglingon mo
bagong tao ang nakikilala

at sa bawat pagbigkas mo
bagong wika ang nasasambit

at sa bawat pagsulyap
bagong eksena ang nasisilip

at sa bawat pagtibok
bagong buhay ang nililingap

at sa bawat paghinga
bagong pagsubok ang hinaharap

at sa bawat away
bagong luha ang i-iiyak

at sa bawat pag-awit
bagong tinig ang nadirinig

at sa bawat pagyakap
bagong tao ang nakakalma

at sa bawat pagsisisi
bagong patawad ang tinatanggap

at sa bawat pagbasa
bagong kaalaman ang natatamo

at sa bawat paglakad
bagong lugar ang nararating

at sa bawat sayaw
bagong aliw ang nararamdaman

at sa bawat pag-ibig
bagong sigla ang nagpupumiglas

at pagkatapos ng lahat
iikot muli ang mundo
at magsisimula ka

Friday, February 24, 2012

pag-agos

kagabi wala akong ginawa
kundi iyakan ka

magdamag nagiisa
at lumuluha
nag-dadrama

iniisip ang mukha mo
tila isang anghel

at habang tumatagal
ang hagulgol at hingal
ay nagiging supalpal

na ako'y nahulog na
sa patibong mo

mabait, maganda, masayahin
iyakin, tampuhin, selosin
ngiti, tawa, kiligin

umiikot na ang mundo ko
dahil di ko na alam

ang dapat kong gawin
sa aking damdamin
kung itutuloy o pipigilin
 

Thursday, February 23, 2012

larawan

sa bawat pagkakataon
ikaw ang nakikita ko
bawat kulay buo
bawat simbolo

lahat ay may ibig ipahiwatig
at ang puso'y pumipintig

natutuwa sa mga ibon
o sa mga asong naglalaro
o sa mga punong nagwawagayway
o sa mga ulap na naglalakad

may sigla ng buhay
na dulot sa mundo'y saysay

sumisilip ako muli
dito sa munting salamin
butas ng kaluluwa
ng bawat misteryo

malungkot lang na ako'y di kasama
dahil ako ang kumukuha

Wednesday, February 22, 2012

biglaan

bigla na lang dumating
ang biyayang di inaangkin
Siya lang ang nagbigay

sa panahon ng aking kagipitan
ika'y maaasahan
ni minsan ako'y di Mo binigo

tunay Ka ngang nag-iisa
Panginoon ng madla
ako'y magpupuri sa Yo magpakailanman

2GBTG!

Tuesday, February 21, 2012

pagbukas ng kandado

minsan sa buhay mo
may mga bagay kang tinatago
kahit sinong tao
ayaw mo mabuko

pilit mong tumatakas
sa nakaraang madulas
at di ka mapakali
dahil lagi kang nagmamadali

akala mo hinde ka napapagod
sanhi ng habang-buhay mong pagsugod
sa bukas na nakatali
sa nakaraan mong sawi

hihinto ka din at magiisip
panandaliang sisilip
loob ng iyong pusong madilim
puno ng dagok at lilim

ngayon mo lang nakita
ito'y basag na
dahil sa pagkakagamit
at abusong paulit-ulit

panahon na para kumawala
iwanan na ang mga luha
buksan na ang kandado
ng sugatan mong puso

--para kay hanzel

Monday, February 20, 2012

pandaloy ng dugo

para itong nakatagong yaman
ngunit buhay ang laman
hinde puno ng ginto
hinde rin pilak o tanso

iniingat-ingatan sa bawat sandali
hinde alam kung kailan lalandi
o gagalaw sa saliw
ng makulay na buhay

sa bawat pagkatuwa ito'y mabilis
parang hinahabol ng pulis
tila walang tigil
at walang hingal sa takbo

minsa'y sa takot ito rin
kakaripas ngunit pigilin
humihikbi sa sandali
ng inaabangang multo

naroon din ang pighati
kung saan mabagal ang pagbati
ng harap sa likod
dahil sa sakit na dulot

ngunit sa harap ng iniirog
ito'y sumasabog
parang higanteng tambol
at sa Edsa'y nagrarambol

pakinggan ang tinig nito
kung diringgin bahala kayo
basta't wag niyo lang saktan
pagkat ito'y maselan


Friday, February 17, 2012

huli man daw at magaling, huli pa rin

tumatakbo ka ng mabilis
lahat nilalampasan

ika'y lumilihis-lihis
pinipilit gumaan

wala ng pakialam sa mundo
at sa mga nangyayari dito

tuluyan ka ng nawala
sa pagiisip ng karera

bumibilis ang tibok ng puso
kumikirot ang pagiisip

tila di batid ang sakit
na dulot ng pagmamadali

ang minsang madapa
ay hindi problema

kahit may masaktan pa
sa mabagal na madla

ngunit sadyang mapait
ang iyong nasapit

dahil pagdating sa huli
ay huli ka pa rin

----ayun lang, sayang pagod haha

Thursday, February 16, 2012

orasan

lumilipas ang araw ng hinde mu pinapansin
kung meron nga bang umaga
at merong bituin
sa pag-ikot ng mundo
ika'y tatanugin
ano nga ba ang silbi nito sa akin?

ang uwak ay lumipad sa himpapawid
tila hinahanap ang kanyang sarili
nang ito'y napagod nagpahinga sa sanga
ng isang puno ng saging
sabay titig
sa malawak na lupain

may mga bata sa lansangan
na kung maglaro ay parang wala ng bukas
di alintana ang pagod at sakit
dahil sa tuwang nararanasan
at habang minamasdan ng magulang
sila'y nagagalak

umaagos ang tubig
umiihip ang hangin
sumisikat ang araw
natutuyo ang lupa
ano pa ang hinihintay mo
oras na para magbago

Wednesday, February 15, 2012

hindi pa

hindi pa panahon para suyuin ka
ako'y maghihintay pa
kahit masakit na

hindi pa panahon para aminin na
naguguluhan ka pa
alam ko nasasaktan ka

hindi pa panahon para itigil na
mahal kita
kahit di mo pa rin alam

hindi pa panahon para limutin ka
dahil hindi kita malilimot
ay iyon ay pangako

hindi pa panahon para bumitiw na
may plano pa Siya
at iyon ang hinihintay ko

pero siguro bukas pwede na
kase hindi kita matiis
na umiyak at magdusa

wala muna :(

pasensya na
wala muna po akong tula ngayon
sadyang masakit lang po :'(

salamat po sa mga nagbabasa :)

Monday, February 13, 2012

sa araw ng puso

sa araw ng mga puso
puso ko'y litong lito
dahil hinde ku alam
ang tunay na laman nito

bagaman ito'y nagiisa lang
alam kong ito'y magpapahirap
sa puso mong hinde alam
ang tunay na paglingap

kaya sa araw na ito
pipiliin ko na lang na mahalin ka
sa aking munting paraan
sana sumaya ka

--sa totoo lang, gusto ko sana mas mahaba kaya lang... haha :P

Sunday, February 12, 2012

an excerpt

(oo, ingles ang isang to...)
if only i could find
the right words to make it so
but somehow even if i can

i know you'll only go

i've been waiting on and on
He's been leading my life
i've been faithful to Him

yet He still doesn't let me know

i'm tired yet again
bordering on insane
there's no choice anyway

but to move on and take pain in the end

:'( (sana...pwede pa...)

sa pagtulo ng luha

datapwat ika'y nasaktan
sa iyong pagkadapa
at ang sugat na naiwan
ay baka lumala

bawat araw ay lilipas
na di ka nito lulubayan
pag-asa'y kumakaripas
kay tagal ng hintayan

ayaw mo man itong harapin
dahil sa sakit nitong dala
di mo man ito lasapin
patuloy pa rin itong gagambala

at heto ka ngayon umiiyak
tumutulo ang luha
buhay mong hinde payak
ngayon gulo'y bumabaha

pero kasama mo ako
sa iyong pagtangis
yayakapin kitang buo
at ngingitiang matamis

dahil ika'y mahalaga
lalo na sa Kanya
lahat ng iyong nadarama
Siya lang sa yo magpapalaya

wag ka ng malungkot mariel :)

Friday, February 10, 2012

sa paglipad

ako'y naupo
nagisip
umihip
nauntog

ika'y tumingin
tumango
tumawa
umalis

sila'y lumingon
nakinig
nang-inis
nainip

at ngayon diwa'y
lumilipad
umaahon
lumulubog

nasan ka ba?

Wednesday, February 8, 2012

kahinaan

kung bakit ba kase
and hina ko sa ganito
lagi na lang
nagpapagapi sa tukso

sa bawat pagtakbo
mula sa loob Mo
lalo akong sinusugod
ng masasamang damo

ayan na nga't
ako'y nanghihina
at tuluyang nagagapi
ng di alintana

at sa bawat paglipas
ako'y nawawala
naglalaho, gumuguho
o nasan ang pag-asa

ngunit ako'y biningwit mo
sa tiyak na kamatayan
hinila pataas
kahit di mabayaran

tunay ngang Ikaw lang
ang tanging mahalaga
buhay, isip at puso
pati na sa kaluluwa

kaya Diyos ko
ako'y iyong dinggin
wag mo akong iwan
pag-akap mo lang ang aking hihilingin

gusto ko pero ayaw ko

mapait ang iniwan mong sugat
sa aking damdamin at puso
tila bagang ikinawit mo
sa iyong ala-ala ang lahat
ng saya at tuwa ng buhay ko

at dahil dito ang mundo ko'y naguho

parang walang patutunguhan ang aking diwa
sa bawat sandali ako'y tulala

pagdating ng takip-silim
para kang bula
lilitaw na me dalang saya
pero sa ilang saglit puputok
at maglalaho

o kay hirap mong bitiwan
bakit ba kasi ika'y nakilala

buhay ko ngayo'y puno ng pait at luha

pero...

tama na
dahil ang sapat ay tapat na
kahit na gusto ko pang haplusin ang maganda mong mukha
ito ay isa na lamang pangitain
ang tanging gusto ko na lang ay ang lumigaya

kaya huli na to
ilulublob na kita
sa dagat ng aking mga luha
paalam na
at di na kita makikita

Tuesday, February 7, 2012

sa aking paghihintay

isinuko ko na sa Poon
ang aking buhay
ibinigay sa Kanya ang lahat ng desisyon

tuluyan ng naging buo
napunan ang kulang
ng Kanyang pagmamahal at paggabay

gumaan ang buhay
gumaan ang problema
lahat nagkaron ng linaw sa dating kalabuan

at ngayong Kanya na
ligaya ko'y tunay
parang may dumarating ng bago sa aking buhay

mukhang umiibig na ko...


Sunday, February 5, 2012

tiwala

nasira ko ang tiwala mo
ng sa hinde ko alam na paraan
ako'y ginulat mo ng tuluyan

nang bigla mong nasambit ibang tao ang dahilan

bakit
paano
saan?

masakit isipin na may taong ganyan
na kayang mandamay sa pansariling dahilan
nakakagalit sa totoo lang

pero wala akong maggawa
pagkat ang tanging pusta ko lang ay tiwala

Saturday, February 4, 2012

inaantok

akala ko gising na
hindi pa pala
kaya biglang balik kama

sumilip ang araw
konti pa lang ang tanaw
ngunit utak pa rin ay sabaw

pinilit bumangon
at maghanda ng baon
pero hirap sa pagkakataon

kaya eto at huli na
nakasalampak pa
nasasarapan pa sa pagpikit-mata
zzzzzz...

Wednesday, February 1, 2012

pautang?

pahingi ng onting limos
mula sa mga bulsang maharlika
pahingi ng onting awa
mula sa sisidlang puno ng bunga

pahingi ng onting oras
mula sa panahong lumilipas
pahingi ng onting pag-galing
mula sa paggamutang ningning

pahingi ng onting pagmamahal
mula sa pusong pagal
pahingi ng onting pansin
mula sa matang ayaw tumingin

pahingi ng onting talino
mula sa kaalamang matino
pahingi ng onting tawad
mula sa kaluluwang umuusad

pahingi, pahingi, pahingi
dahil ako'y walang-wala na

wala ng pag-asa
pero alam ko me mabibigay ka