hanggang kailan kita hahabulin?
hanggang sa dulo ng mundo?
hanggang mawala ang hininga?
bakit ka ba lumalayo?
ako na nga ang walang ginawa kundi mahalin ka
ng walang hinihingi
hanggang kailan kita hahanapin?
hanggang maubos ang taguan?
hanggang mapagod sa paghahanap?
bakit ka pa nagpaparamdam?
kung ayaw mo din naman matagpuan
at sabi mo tayo'y magkaibigan
oo isa akong tanga
dahil mahal kita
pinili kong tiisin ang lahat
para lang makasama ka
pero matuto kang makiramdam
dahil ako'y tao lang
wag mong ubusin ang pisi ko
baka ikaw ay mawindang
No comments:
Post a Comment