Sunday, April 1, 2012

baraha

sa isang gabi
kami'y naglaro
ng isang simple
ngunit masayang laro

ang laro ng baraha

sa bawat tanong
ito ang sasagot
pula sa oo
itim sa hinde

at nagsimula na

lahat ay nagsalit
ng nais malaman
totoo man
o katuwaan

ngunit gusto paniwalaan

habang tumatagal
mas ganadong alamin
ang sasabihin
ng barahang salamin

lumulubog na ang oras

hinde na mabitawan
lahat ay nalulong
sa hula ng baraha
at kanyang bulong

at ito'y huli na

huli na ng malamang
naniniwala ka na
sa mga sanang lumalabas
galing sa huwad na baraha...

No comments:

Post a Comment