hinde nabuo ang katipunan
ng dahil lang kay andres
ito'y naipon ng isang grupo ng iisang adhikain
hinde rin nabuo ang thesis team nyo
ng dahil lang sa isang matalino
ito'y pinagsama-samang mag-aaral na iba-iba ang alam
hinde rin nabuo ang basketball team
ng dahil sa isang magaling na manlalaro
ito'y pinagtipong mga posisyong kelangang gampanan
kaya't laging tatandaan
na sa ating lipunan
hinde lamang pinuno ang sandalan
kundi ang buong samabayanan
at kundi natin gagampanan
ang ating panunungkulan
wag na nating asahan
ang ating kaunlaran
No comments:
Post a Comment