Thursday, January 19, 2012

Ang Simula!

Datapwat ang bawat isa ay magsimula
Sapagkat ito ang tanging paraan para marating ang paroroonan
Kahit na saang dako ka man pumunla
Ikaw ay siguradong me daratnan

Totoo nga't mahirap ang manggaling sa wala
Pero sa Poon nama'y ika'y laging puno ng biyaya
Kaya dapat laging sa Kanya ay magtiwala
Nang sa gayo'y ang buhay mo ay nasa tama ang taya

Kung sa iyong paglalakbay ikaw ay maharang
At tila mayroong lumiligaw ng iyong landas
Abutin ang ilaw na Siya ang may hirang
Dali-dali ika'y maliligtas

At sa pagtatapos ng iyong umpisa
Tunay nga ito'y minsa'y madilim
Pero dahil sa Kanya ka umaasa
Ika'y pananatilihin sa Kanyang lilim

--sana'y kayo ay natuwa sa aking panimulang akda :) ako'y nagagalak na magsimula ng isang paglalakbay sa mundo na ito gamit ang aking sariling wika :) pipilitin kong maging mapagbantay sa araw-araw upang makapagsulat :)

SDAP!
(sa Diyos ang Papuri!)


No comments:

Post a Comment