o hinde ku maibulsa
sa maliit kong mundo
ang dami ng biyayang
pinamamalas mo
tunay ba na ako ay karapat-dapat
sa yaong pagpansin?
o tunay nga't ito'y kagila-gilalas
sapagkat ang kapangyarihang pinamamalas
ay di ko matanto
kung meron pang wagas
meron akong kaunting pagkatakot
na dahan-dahang sumasaplot
o ngunit sa huli aking napagkasunduan
sa puso, isipan at kaluluwa
na ito ay aking tatanggapin
ng walang pagalinlangan
ang iyong kagustuhang walang humpay
at karunungang walang kasing husay
No comments:
Post a Comment