Monday, January 23, 2012

Sa Iyong Pag-iyak

nakita kita
balisa
tulala
ako'y naiyak

ika'y tumungo
umupo
lumayo
ako'y naiyak

bigla kang tumawa
nagalak
sumigla
ako'y naiyak

pinilit kumausap sa iba
dumaldal
kumanta
ako'y naiyak

nang tumagal ika'y bumuklat
nagbasa
nagmuni-muni
ako'y naiyak

at di nagtagal ika'y umiyak
lumuha
nagdasal
ako'y naiyak

pagkatapos nawala ang bahid ng sakit
kumalma
pumayapa
ako'y ngumiti

No comments:

Post a Comment