Tuesday, January 24, 2012

pagod

ako'y pagod na
sa kakatakbo
at kakatakas sa pagkalinga mo

kahit ano'ng gawin
ika'y nakakahabol
at ako'y aabutan din

ako na mismo ang lumalayo
pero ikaw pa mismo
ang naghahanap sa akin

hinde man ako karapat-dapat
niyayakap mo pa din ako
ng mahigpit at walang maliw

kaya ngayon di na ko aalis
at ako'y mananatili na
sa pagmamahal mo

No comments:

Post a Comment