matagal na kitang kilala
hinde ka na bago sa akin
pero magulo ka dati
at mas magulo pa ko
lumipas ang taon
lumayo lang ako
akala ko kaya ko mag-isa...
walong taon akong naglakbay
sa wala at wala
di namalayang
hinde ka pa rin tumitigil
sa bawat pagtakbo
ikaw pa ang humahabol
hinde ka pa pala tapos...
at sa kung anu'ng himala
ika'y nagpakita
ako'y namangha
sa mga bagay na ipinakita
namulat na ako ngayon
sa isang katotohanan
nabuhay kang muli at di na kita bibitiwan :)
--pre-ecncounter :)
--para kina faythe, keeneth, lovely santiago :)
No comments:
Post a Comment