pahingi ng onting limos
mula sa mga bulsang maharlika
pahingi ng onting awa
mula sa sisidlang puno ng bunga
pahingi ng onting oras
mula sa panahong lumilipas
pahingi ng onting pag-galing
mula sa paggamutang ningning
pahingi ng onting pagmamahal
mula sa pusong pagal
pahingi ng onting pansin
mula sa matang ayaw tumingin
pahingi ng onting talino
mula sa kaalamang matino
pahingi ng onting tawad
mula sa kaluluwang umuusad
pahingi, pahingi, pahingi
dahil ako'y walang-wala na
wala ng pag-asa
pero alam ko me mabibigay ka
No comments:
Post a Comment