minsan sa buhay mo
may mga bagay kang tinatago
kahit sinong tao
ayaw mo mabuko
pilit mong tumatakas
sa nakaraang madulas
at di ka mapakali
dahil lagi kang nagmamadali
akala mo hinde ka napapagod
sanhi ng habang-buhay mong pagsugod
sa bukas na nakatali
sa nakaraan mong sawi
hihinto ka din at magiisip
panandaliang sisilip
loob ng iyong pusong madilim
puno ng dagok at lilim
ngayon mo lang nakita
ito'y basag na
dahil sa pagkakagamit
at abusong paulit-ulit
panahon na para kumawala
iwanan na ang mga luha
buksan na ang kandado
ng sugatan mong puso
--para kay hanzel
No comments:
Post a Comment