Thursday, February 23, 2012

larawan

sa bawat pagkakataon
ikaw ang nakikita ko
bawat kulay buo
bawat simbolo

lahat ay may ibig ipahiwatig
at ang puso'y pumipintig

natutuwa sa mga ibon
o sa mga asong naglalaro
o sa mga punong nagwawagayway
o sa mga ulap na naglalakad

may sigla ng buhay
na dulot sa mundo'y saysay

sumisilip ako muli
dito sa munting salamin
butas ng kaluluwa
ng bawat misteryo

malungkot lang na ako'y di kasama
dahil ako ang kumukuha

No comments:

Post a Comment