Monday, February 20, 2012

pandaloy ng dugo

para itong nakatagong yaman
ngunit buhay ang laman
hinde puno ng ginto
hinde rin pilak o tanso

iniingat-ingatan sa bawat sandali
hinde alam kung kailan lalandi
o gagalaw sa saliw
ng makulay na buhay

sa bawat pagkatuwa ito'y mabilis
parang hinahabol ng pulis
tila walang tigil
at walang hingal sa takbo

minsa'y sa takot ito rin
kakaripas ngunit pigilin
humihikbi sa sandali
ng inaabangang multo

naroon din ang pighati
kung saan mabagal ang pagbati
ng harap sa likod
dahil sa sakit na dulot

ngunit sa harap ng iniirog
ito'y sumasabog
parang higanteng tambol
at sa Edsa'y nagrarambol

pakinggan ang tinig nito
kung diringgin bahala kayo
basta't wag niyo lang saktan
pagkat ito'y maselan


No comments:

Post a Comment