Wednesday, February 8, 2012

gusto ko pero ayaw ko

mapait ang iniwan mong sugat
sa aking damdamin at puso
tila bagang ikinawit mo
sa iyong ala-ala ang lahat
ng saya at tuwa ng buhay ko

at dahil dito ang mundo ko'y naguho

parang walang patutunguhan ang aking diwa
sa bawat sandali ako'y tulala

pagdating ng takip-silim
para kang bula
lilitaw na me dalang saya
pero sa ilang saglit puputok
at maglalaho

o kay hirap mong bitiwan
bakit ba kasi ika'y nakilala

buhay ko ngayo'y puno ng pait at luha

pero...

tama na
dahil ang sapat ay tapat na
kahit na gusto ko pang haplusin ang maganda mong mukha
ito ay isa na lamang pangitain
ang tanging gusto ko na lang ay ang lumigaya

kaya huli na to
ilulublob na kita
sa dagat ng aking mga luha
paalam na
at di na kita makikita

3 comments:

  1. waks ! broken ba to.? haha. :) -jobengbeng

    ReplyDelete
  2. waks! sa broken ba ito? haha. nakaktuwa. gustong gi=usto ko yung ending.. ^^ --jobengbeng

    ReplyDelete