Sunday, May 13, 2012

para sa aking nanay

o kay galing nga naman ng buhay
pagkat tayo'y nagsimula sa iisang paraan
mula sa isang nilalang na babae
tayo'y may pagmumulan

mula sa iisang butil
na dahan-dahang lumaki
unti-unting naging buhay
sa loob ng tiyang malaki

sa paglipas ng panahon
tayo'y naging sanggol
na tila nagpupumiglas lumabas
at harapin ang mundong yaon

pagdating ng tamang panahon
ito'y nagkatotoo
tuluyan na tayong ipinanganak
hinde nga lang kahapon

ang hirap ng pagdadala
hanggang sa pagluwal
at tuluyan niyang tiniis
gawa ng pagmamahal

ngunit di lang dun nagtatapos...

tayo nga'y naging bata
naglalaro ng walang pakialam
sa araw na mainit
o sa ulang malamlam

kahit na magsakit
siya ay nagpupumilit
na tayo'y alagaan
at hinde pabayaan

nang tayo'y nag-aral
kahit ano'y ginagawa
pagiging pasaway o makulit
na lagi niyang ikinakagalit

nagsayang ng panahon
pag-aaral ay ibinaon
ngunit siya'y nagtiyaga
at tayo'y nakaahon

at ngayo'y nagsasarili na
ibig lang natin ay mag-isa
humiwalay sa taong nag-aruga
nagtiis at nagdusa

tunay ngang dakila
ang ating mga ina
nagmamahal sila ng buo
at walang kaduda-duda

bagaman sa dami ng taon
ni hinde natin to sinuklian
tuloy pa rin sila sa pagaalaga
sa ating mga anak niya

kaya ngayon kahit konting pansin
ay aking iaalay sa kanya
kung gaano siya nagtiyaga
siya naman ay pinagpapala

aking dalangin sa araw-araw
ay kalusugan niyang wagas
buhay na masaya
at pagmamahal kong lubos

maligayang araw ng mga nanay aking ina :)

No comments:

Post a Comment