alam kong mahirap kang tiisin
kahit ang Diyos alam iyon
pero tinitiis ko pa rin
kase alam kong yun lang ang kaya ko gawin...
sa ngayon...
noong una parang wala
ika'y sumangguni
ako'y tumulong lamang
naninibago pa sa mundo
dahil noo'y kakabalik-loob
salamat Panginoon
nang lumaon naging tunay na magkaibigan
nagdadamayan, nagtutulungan
nagkukulitan, nagtatawanan
at nangyari na nga
nahulog ang isa sa isa
bagama't nangakong hindi mangiiwan
pagkat sa nakaraan niya'y ito lang ang naranasan
ako'y kanyang iniwan
mag-isa at luhaan
sa sulok ng mundong aking ginagalawan
naghintay
nagtiis
nagpatuloy
at di bumitaw
nanahimik at nagingay habang naghihintay
ngunit sadyang mapait
dahil hindi na nanumbalik
ang dating sabik
sa pagkikitang di na sumaglit
ganun na lamang...
hanggang ngayon
kumakapit sa Maykapal
sa lakas na harapin
ang lamig at kirot ng paghihintay
umaasa sa planong Kanyang nilaan
kaya ngayo'y nagiisa
lumalaban na parang ang gera ay nasa sarili lamang
No comments:
Post a Comment