Monday, June 4, 2012

ang kalabog ng pagkahulog

kalabog kalabog
ang tanging tunog
na aking natimbog
nung ang puso ko'y nadurog
at utak ay muntik masunog
sa iyong mga pagsabog
at mga pagdadabog
na wala naman sa hulog

kalabog kalabog
at ang pulso ko'y tumirik
dahil damdami'y matarik
mula sa mahimbing na hilik
ito'y iyong pinasabik
ngunit sa dulo'y pumaltik
at wala ka ng imik
kahit na ako'y bumalik

kalabog kalabog
nalaglag ng tuluyan
ang pusong dumduyan
sa pag-ibig na sabayan
ang tugtog sa kawayan
subalit walang damayan
ng ika'y namalayan
at lumapit sa kamatayan

kalabog kalabog
at ang puso ko'y sumabog

No comments:

Post a Comment