nalugmok ako sa balong malalim
tila wala ng pag-asa ng pag-ahon
araw-araw sumisigaw
umiiyak
nagmamakaawa
naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong
na walang taong nakapagbigay ng sagot
karamihan ang tugon ay
ewan
hinde alam
o di kaya'y naghuhula na lamang
masakit malamang nag-iisa ka lang
walang masandalan
o matakbuhan
nasa dilim na akong muli
ni hindi ko maaaninag ang sarili kong mukha
ito ba'y buo pa
o sugat-sugat na
madami na akong galos na natamo
sa mga labang pinagdaanan ko
gusto ko ng lumaya
lumipad palayo
iwanan ang lahat
at dahan-dahan kong naramdaman
ang kaluskos sa bukasan
unti-unti nitong nilalapit ang sarili
patungo sa aking kinatatayuan
ako'y natakot
ito ba ay kalaban
o tagapagligtas
hinde ku maitungo ang aking ulo...
nakiramdam na lamang ako...
mabagal
maingat
ngunit siguradong meron
pagsayad nito sa akin
dun ku lang naramdaman
Siya ang aking tagapag-ligtas
ang tanging daan...
No comments:
Post a Comment